-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Aminado si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na malaki ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas lalo na sa isla ng Mindanao dahil sa nagpapatuloy na Marawi crisis.

Napag-alaman na matapos ang deklarasyon ng Martial Law, ilang lugar sa Mindanao ang tumamlay ang turismo dahil sa takot ng mga turistang bumisita sa Mindanao sa pag-aakalang lahat ng lugar ay magulo.

Kaugnay nito, naniniwala si Gov. Fuentes na dapat tapusin ang Marawi crisis at wala ng rason na umatras pa kahit apektado na ang ekonomiya.

Walang magagawa ang gobyerno kundi lumaban upang hindi na lumala pa at kumalat ang kaguluhan sa ibang karatig lugar ng Marawi.

Mas mainam na lang na suportahan ang gobyerno dahil sa oras na maubos na ang mga terorista dadami ang turista.