KORONADAL CITY – Umaabot sa mahigit P100,000 ang halaga ng nasamsam na mga kontrabandong sigarilyo sa lungsod ng Koronadal matapos ang isinagawang raid ng Bureau of Customs sa New Amigo Commercial at RV trading corporation.
Napag-alaman na sa nasabing raid naabutan na lamang ng BOC ang mga rim ng sigarilyo matapos naibenta na umano ang karton-kartong kontrabandong sigarilyo na nagkakahalaga ng P100 million bago pa man naisagawa ng BOC ang nasabing raid.
Ang New Amigo Commercial at RV trading corporation ay mga distributor ng mighty products sa lungsod ng Koronadal at mga kalapit na lugar.
Nadismaya naman ang team leader ng BOC na si Jiggy Pogoy matapos hindi nila naabutan ang karton-kartong sigarilyo na may counterfeited tax-paid stamps.
Sa kabila nito ipinasiguro ni Pogoy na magpapatuloy pa rin ang kanilang monitoring at operasyon dahil naniniwala ito na may mga itinatago pang kontrabando ang ilang mga establisemento.
Napag-alaman na isinagawa ang raid matapos matuklasan na nakakalusot pa rin ang mga sigarilyong may pekeng tax-paid stamps na pagmamay-ari ng Mighty Corporation.