-- ADVERTISEMENT --

Nasawi ang isang 9-anyos na batang babae, habang sugatan ang kanyang ama at kapatid, matapos ang isang aksidente sa motorsiklo sa Koronadal City nitong Marso 20.

Batay sa imbestigasyon, binabagtas ng mag-aama ang national highway sa Prk. Langitnon, Brgy. Zone 4 bandang tanghali nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo ang ama na si alyas Jason habang pababa ang kalsada, na naging sanhi ng pagkakatumba ng sasakyan at pagtalsik ng tatlong sakay.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang batang si Janice.

Kaagad siyang isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sugatan naman ang ama at ang kapatid nitong si alyas Jeff, 14-anyos, na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ang mga biktima ay pawang residente ng Tupi. Samantala, nasa kustodiya na ng Koronadal City Police Office ang motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.