Dinagsa ng libu-libong mga bisita ang ika-86 na Hinugyaw Festival sa lungsod ng Koronadal ngayong araw ng Sabado, Enero 10, 2026.
Ipinamalas din ang ganda at talento ng iba’t ibang grupo at barangay sa isinagawang Fiesta Parada ngayong Enero 10, bilang bahagi ng ika-86 na Foundation Anniversary at Hinugyaw Festival.
Naging masaya ang Barangay San Roque matapos nilang makuha ang dalawang major awards: ang Parade Excellence in Team Performance at Best in Parade Props Contingent, kung saan nag-uwi sila ng kabuuang P30,000.00 na premyo.
Hindi rin nagpahuli ang Marbel School of Science and Technology (MSST) na idineklarang Largest Delegation at tumanggap ng P8,000.00.
Samantala, pinarangalan din ang Barangay Assumption na tumanggap ng P15,000.00 dahil sa patuloy nilang pangangalaga at pagpapanatili ng kultura sa kategoryang Most Traditional Attire and Headgear.













