KORONADAL CITY – Umani ng paghanga sa lungsod ng Koronadal ang dedikasyon ng isang 81 anyos na Sports trainer sa nagpapatuloy na Koronadal City Athletics Association meet.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, ang nasabing sports trainer ay si Miguel Cheng na isang full blooded Chinese ngunit itinuturing ang sariling purong Pinoy.
Napag-alaman na si Cheng ang tumutulong sa mga atleta mula sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng proper training sa larangan ng Badminton, Table Tennis at Volleball lalo na sa mga isinasabak sa Palarong Pambansa.
Ayon kay Cheng, sekreto sa aktibong at makisig na pangangatawan nito ay ang pagkahilig sa sports, ehersisyo at masustansyang pagkain.
Samantala satisfying naman para sa 81-anyos na trainer ang pagtulong sa mga atletang South CotabateƱo na maabot ang kanilang mga pangarap sa larangan ng sports.