-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Tumaas na sa 80 ang bilang ng firecracker-related injuries sa Region 12 (SOCCSKSARGEN) mula Disyembre 21, 2025 hanggang Enero 2, 2026 batay sa datos ng DOH – Center for Health Development Soccsksargen.

Pinakamataas ang kaso sa South Cotabato na may 34, sinundan ng North Cotabato 23, General Santos 9, Sultan Kudarat 8 at Sarangani 6.

Sa kabuuang bilang, 18 ang nagkaroon ng eye injuries, 2 naman ang naputulan ng daliri habang isa ang nawalan ng pandinig.

Nasa 2 taong gulang naman ang pinakabatang biktima samantalang ang pinakatanda ay 78 taong gulang kung saan Kwitis ang pinakamadalas na firecracker na nainvolve sa mga insidente na umabot sa 17 ang bilang nito kabilang na ang 20-anyos na nasabugan sa mukha sa Norala, South Cotabato.

Maliban dito, sa inilabas na datos ng DOH-12, umabot sa 72 ang lalaking biktima kumpara sa kababaihan.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng mga otoridad sa mga nabiktima ng paputok lalo na ang may paso o sugat na agad na magtungo sa ospital upang maagapan at maiwasan ang panganib ng tetano.