-- ADVERTISEMENT --

Trahedya ang sinapit ng isang pamilya sa Barangay Poblacion, Talitay, Maguindanao del Norte matapos masawi ang isang walong (8) taong gulang na batang lalaki sa isang sunog na tumupok rin sa mahigit 10 kabahayan, pasado alas-11:30 kagabi, Miyerkules, Hulyo 23,2025.

Ayon sa ulat ng pulisyat, mabilis ang naging pagkalat ng apoy kaya’t halos wala nang naisalbang gamit ang mga residente.

Nahuli sa paglikas ang nasawing bata matapos ma-trap sa loob ng kanilang bahay habang natutulog.

Napag-alamang may iniindang karamdaman ang ina ng biktima, dahilan kaya hindi na nito nagawang mailigtas ang kanyang anak mula sa naglalagablab na apoy.

Sa ngayon, nangangailangan ng agarang tulong ang mga apektadong pamilya – pagkain, damit, tirahan at iba pang pangunahing pangangailangan, dahil sa kawalan na ng natirang gamit o ari-arian.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.