-- ADVERTISEMENT --

TUPI, SOUTH COTABATO – Pito ang kumpirmadong patay sa nangyaring aksidente sa Magsangyaw, Tupi, Soth Cotabato ngayong hapon ng Lunes, Disyembre 233,2024.

Sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, umakyat ng Magsangyaw Land of Praise tourist spot ang magkakamag-anak sakay ng L300 Van upang magsagawa ng pictorial para sa ikakasal nilang kamag-anak.

Nang matapos umano ang photo shoot at pauwi na ang mga ito nagkaroon ng loose brake ang kanilang sasakyan habang pababa mula sa mataas na parte ng Magsangyaw kaya’t nawalan ng kontrol ang driver.

Nabangga pa ang sasakyan sa isang puno bago tuluyang nahulog pababa.

Dahil sa lakas ng impact halos nawasak ang ilang parte ng sasakyan kung saan tumilapon din ang ibang pasaherong sakay nito.

Agad na isinagawa ang rescue operation sa mga pasahero na sakay ng L300 Van ngunit hindi na umabot ng buhay ang pito sa mga ito.

Makikita sa video ang maselan na sitwasyon ng ilang mga pasahero na halos nakahandusay sa lupa at ang sasakyan na wasak ang ilang parte matapos na mahulog mula sa itaas na bahagi ng daan.

Narito ang pangalan ng mga nasawing biktima:

Annabelle Maglente – 52 yrs old, Joan Maglente – 28 years old, Joel Maglente, Duke Maglente at Ike Maglente na pawang mga taga-Cagayan de Oro City na nagbakasyon lamang sa bayan ng Polomolok, habang ang dalawang mga menor edad na sina Marga, 7 years old at Yuna,8 years old at taga-Polomolok, South Cotabato na kamag-anak rin ng mga Maglente.

Samantala, buhay naman ang driver ng sasakyan na si Oliver Maglente na nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ngayon, dinala na sa morgue ng Tupi Municipal Hospital ang bangkay ng mga biktima.