KORONADAL CITY – Boluntaryong sumuko ang pitong dating lider at miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG sa 38th Infantry “We Clear” Battalion sa Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato.
Pinangunahan ni LTC Erwin Felongco ang presentasyon sa harap ni BGEN Omar Orozco, Commander ng 1st Mechanized “Maaasahan” Brigade, bilang patunay ng patuloy na tagumpay ng hukbo sa pagbuwag ng CTG sa probinsya at sa mga kalapit na lugar.
Kasama sa mga sumuko ang mga kilalang personalidad ng Southern Mindanao Regional Committee, kabilang ang kanilang secretary na si “Pakat/Bansai.” Ayon sa kanya, walang magandang kinabukasan sa bundok at pinahalagahan nila ang maayos na pagtrato ng militar.
Naisakatuparan din ang turn-over ng pitong baril, kabilang ang RPG, mga assorted rifles, at isang homemade sniper rifle, na lalong nagpapahina sa natitirang pwersa ng CTG.
Ang 38IB, sa pakikipag-ugnayan sa NICA, PRO 12, SCPPO, 105IB, at 39IB, ay nagsagawa ng matagalang intelligence operations upang maisakatuparan ang pagsusuko ng mga rebelde.
Ang mga sumuko ay tumanggap ng agarang cash assistance at food packs, at ipoproseso para sa E-CLIP benefits bilang suporta sa kanilang reintegrasyon.
Nanatiling nakatuon ang 38th Infantry Battalion sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagtulong sa komunidad, at pagbibigay gabay sa mga dating rebelde upang makapagsimula ng dignified at maayos na buhay.












