-- ADVERTISEMENT --

Napakalakas na lindol na 7.2 magnitude, tumama sa southern Peru ngayong araw ng Biyernes. May lalim na 28 kilometers o 17 miles ang pagyanig.

Ibinabala naman ng Pacific Tsunami Warning Center ang posibleng tsunami waves na tinatayang may taas na 1 hanggang 3 metro sa mga baybayin sa Peru.

Sa ngayon, wala pang napaulat na nasugatan sa malakas na pagyanig.