-- ADVERTISEMENT --
KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang 66-anyos na retiradong kawani ng gobyerno na kabilang sa Regional Top 9 Most Wanted Persons.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ali,” residente ng Barangay San Isidro, Koronadal City.
Hinuli ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City Police Station, Provincial Intelligence Unit, CIDG, at Highway Patrol Unit sa bisa ng warrant of arrest.
Nahaharap ang suspek sa kasong Qualified Rape na walang piyansa, at Sexual Assault na may rekomendadong piyansa na ₱180,000, batay sa utos ni Judge Alena Gale Palileo-Yabes ng RTC Branch 12, Family Court, Koronadal City.