-- ADVERTISEMENT --

Pinaigting na ng Sarangani Provincial Police ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa brutal na pagpatay sa isang senior citizen sa Barangay Malandag, Malungon, Sarangani Province.

Natagpuan na wala nang buhay ang biktimang si Miguel Saavidra, 65-anyos at residente ng lugar, nitong Linggo ng umaga sa isang liblib na bahagi ng barangay.

Batay sa isinagawang post-mortem examination, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima dulot ng matigas na bagay.

May hiwa rin ito sa ulo na tila tinaga, at tinanggalan pa ng ari bago tuluyang sinunog ang sensitibong bahagi ng kanyang katawan.

Nagkalat din sa paligid ng kanyang kubo ang ilang kagamitan, indikasyong posibleng pinasok at pinag-interesan ang kanyang mga gamit.

Hanggang ngayon ay wala pang pinangalanang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng responsable sa krimen.