-- ADVERTISEMENT --

Matagumpay na nabuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 (PDEA RO12) ang isang kilalang drug den sa Purok 18, Employees Village, Barangay Fatima, General Santos City sa ikinasang buy-bust operation nitong Biyernes ng umaga, Agosto 8, 2025, dakong 9:35 AM.

Arestado ang anim (6) na drug personalities na pawang nasa listahan ng High-Value Targets (HVTs). Kinilala ang mga suspek na sina:

  • Tata, 46 anyos – umano’y drug den maintainer
  • Maymay, 42 – co-den maintainer
  • Melanie, 42 – empleyado
  • Lead, 37 – empleyado
  • Walid, 27 – bisita
  • Abduljabar, 39 – bisita

Lahat ng mga naaresto ay residente ng General Santos City.

Pinangunahan ng PDEA RO12 Regional Special Enforcement Team ang operasyon, katuwang ang PDEA Sarangani Provincial Office, PDEA RO12 Airport Interdiction Unit, at PNP General Santos City Police Station 7.

Nasamsam sa lugar ang walong (8) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 8 gramo, pati na rin ang iba’t ibang drug paraphernalia tulad ng:

  • 2 disposable lighters
  • 3 aluminum foil tooters
  • 3 aluminum foil strips
  • 2 improvised glass tooters
  • 1 roll ng aluminum foil

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 13, at 14 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Muling iginiit ng PDEA RO12 ang kanilang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga, lalo na sa pagtugis sa mga high-value targets at pagbuwag sa mga drug den upang matiyak ang mas ligtas at drug-free na mga komunidad sa buong Region XII.