-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang estudyante matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Tagumpay, Brgy. GPS, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Oktubre 4, 2024.

Kinilala ni Police lieutenant Colonel Hoover Antonio, chief of police ng Koronadal City Police Station, ang naaresto na si alyas “Jun-Jun”, 21 taong gulang, binata, estudyante, residente ng Purok Maharlika, Brgy. GPS, Koronadal City, South Cotabato.

Naaresto ang suspek bandang 04:10 ng hapon sa mga tauhan ng Koronadal City Police Station kasama ang KCPS-CPDEU, RID 12 Tracker Team Charlie, SCPIU, SCPPDEU, KCPS Intel personnel, at PDEA 12.

Sa operasyon nabili mula sa suspek ang isang sachet ng shabu at at isang (1) one thousand peso bill buy bust money at nakuha rin mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang Honda XRM 125 na motorsiklo.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.