-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Arestado ang isang Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan sa Purok 3, Brgy Maltana, Tampakan, South Cotabato, nito lamang Agosto 30, 2024.

Naging matagumpay ang nasabing buy-bust sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Tampakan MPS kasama ang RSOG, RID, SCPIU, SCPDEU, 1st SCPMFC at PDEA 12.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli sa isang alyas “Mar”, 46 anyos, walang trabaho at residente ng Purok 3 , Brgy Maltana, Tampakan South Cotabato.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 0.106 gramo na nagkakahalaga ng Php979.00. at isang Php1,000.00 bill bilang buy-bust money.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas, katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno, ay patuloy sa pagsugpo sa mga ilegal na gawain alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa Bagong Pilipinas.