KORONADAL CITY – Pumagitna na ang Armed Forces of the Philippines sa away dalwalang magkalabang grupo na pawang magkakaanak lang din at mga kasapi ng 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sitio Damabago, Barangay Barurao, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Roden Orbon, tagapagsalita ng 6th ID, Philippine Army sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Orbon, personal na hidwaan ang dahilan ng naganap na bakbakan sa pagitan ng dalawang nabanggit na grupo na pinamumunuan ni Marato Felmin at Baguindali Felmin.
Mabilis naman na rumesponde sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga kasundaluhan kasama ang mga kapulisan mula sa Radjah Buayan at Sultan sa Barongis Municipal Police Station ngunit nagawa nang makatakas ng parehong grupo habang naiwan naman ng mga ito ang kanilang mga armas.
Wala namang naitala na sugatan sa nangyaring putukan subalit tinatayang nasa 50 pamilya ang lumikas mula sa kani-kanilang tahanan upang hindi maipit sa putukan.
Dahil sa pangyayari, nakumpiska ng mga sundalo mula sa 33rd Infantry Battalion ang (labing pitong (17) matataas na kalibre ng baril mula sa dalawang magkalabang armadong grupo.
May mga nahuli din na ilang kasapi ng magkapilang panig ngunit inirelease na umano ng mbga otoridad matapos na makipag-ugnayan ang Coordinating Committee on Cessation of Hostilities and Ad Hoc Joint Action Group (GPH-CCCH and AHJAG).
Kaangot sini, nagpanawagan naman ang opisyal sa mga pamilyang sangkot sa rido o clan war na hindi dahas ang sagot sa pagresolba sa mga girian sa halip ay mas mainam pag-usapan at solusyonan upang magkaunawaan.