Koronadal City – “Mahalagang bigyang-halaga ang sarili.” Ito ang naging lakas at inspirasyon ng nanalong 4th Runner-Up ng Lakambini ng Koronadal 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ethyl Bless Leysa, ipinahayag niya na kahit na nakaranas siya ng diskriminasyon at bullying, ipinaglaban niya at ipinakita na kaya niyang i-presenta ang kanyang sarili bilang isang beauty queen.
Ipinahayag din niya na isa sa kanyang mga adbokasiya ay ang magbigay-inspirasyon sa mga kababaihan, lalo na sa deaf community, na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makilahok sa nasabing kompetisyon.
Dagdag pa ni Leysa, kailangan ng isang tao na ipaglaban ang sarili at manatiling matatag upang maipakita at maipresenta nang maayos ang kanyang personalidad sa publiko.
Sa pamamagitan ng kanyang determinasyon at paniniwala sa sarili, ipinapakita ni Leysa na ang positibong pag-iisip at pagtindig para sa sarili ang susi sa pagsali at pagtagumpay sa isang beauty pageant.













