-- ADVERTISEMENT --
Umabot na sa 4,241 ang bilang ng mga OFWs at kanilang mga dependente na narepatriate mula sa Gitnang Silangan dahil sa digmaan.
Ang ikapitong government-chartered flight na dumating noong Biyernes Santo, Abril 3, ay nagdala ng 344 na repatriates mula sa UAE.
Bago ito, 244 OFWs mula Bahrain ang dumating sa NAIA sakay ng Gulf Air Flight 154.
Mayroon pang 22 repatriates na darating sa Biyernes ng gabi at 65 pang iba sa weekend.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, mayroong 1,500 OFWs mula UAE na naghihintay ng repatriation.
Tiniyak niya na patuloy ang tulong tulad ng travel accommodation, livelihood assistance, at job-matching para sa mga OFW na nais magtrabaho muli sa ibang bansa.













