-- ADVERTISEMENT --

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang apat na myembro ng Local Terrorist Group dala ang kanilang mga armas sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong umaga ng Agosto 31, 2024.

Sinabi ni Lt. Col. Christian Cabading, Battalion Commander ng 92nd Infantry Battalion, dala ng apat na nagbalik-loob ang kanilang mga armas pangdigma na kinabibilangan ng isang M14 Rifle, M16 Rifle, SAS12 Shotgun at Barret Rifle sa himpilan ng 92IB, 1BCT.

Nakikipag-ugnayan naman ngayon ang 92IB sa Provincial Government ng Maguindanao del Sur at BARMM Government para makatanggap ng financial na tulong at mareporma ang mga nagbalik-loob sa pamamagitan ng AGILA-HAVEN Program (Anak na may GInintuang LAyunin upang Hintuan Ang Violent Extremism Ngayon) at Project TUGON (Tulong ng Gobyernong Nagmamalasakit). Ikinagalak naman ni Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, Division Commander ng 6ID at JTF Central ang desisyong ginawa ng dating mga rebelde.