Iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation – SEMRO ang isang ama matapos akusahang ginahasa umano ang sarili niyang anak na apat na taong gulang sa Davao City.
Ayon sa mga otoridad, isang alyas “Raymond” ang itinuro ng kanyang asawa bilang suspek sa umano’y pang-aabuso sa kanilang anak na babae.
Batay sa salaysay ng ina, nagsumbong umano ang bata sa kanya tungkol sa nangyari, dahilan upang agad siyang dumulog sa mga otoridad.
Subalit, mariing itinanggi ng ama ang paratang at iginiit na gawa-gawa lamang ito ng kanyang asawa.
Ayon pa sa kanya, unang resulta ng pagsusuri ng mga doktor sa SPMC noong Oktubre 1 ay nagsasabing walang palatandaan ng pang-aabuso.
Gayunman, sa isinagawang follow-up examination ng medico-legal team ng NBI nitong Oktubre 6, lumabas na nagpositibo ang bata sa senyales ng sexual penetration sa kanyang genital area.
Sa ngayon, nakatakdang harapin ng suspek ang kasong Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng RA 11648 at RA 8353, na walang rekomendadong piyansa.