-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY -Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang 33-anyos na babae na kabilang umano sa regional target list ng mga drug personality matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa Koronadal City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “May Ann,” residente ng Barangay Sta. Cruz, Koronadal City, South Cotabato.

Naaresto ito sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) South Cotabato Provincial Office, sa tulong ng PDEA ROXII Regional Special Enforcement Team at PNP PROXII-RPDEU, pasado alas-singko y medya ng hapon noong Oktubre 28, 2025, sa Purok Agan East Phase 1, Barangay Sta. Cruz.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 16 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halagang ₱108,800.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.