-- ADVERTISEMENT --

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng CTG matapos itong sumuko sa ating kapulisan sa 1st SCPMFC Headquarters, Aurora Street, Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato kahapon lamang Agosto 13, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rey D Egos, Force Commander ng 1st SCPMFC, na dating kasapi ng Guerilla Front (GF) Alip ng Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) na si alyas “Ruben, 32 anyos at residente ng Brgy. Luayon, Makilala, North Cotabato.

Napagpasyahan na magbalik-loob sa gobyerno ng dating ekstrimista bunsod ng kaliwa’t kanang operasyon ng pulisya mula 1st SCPMFC (Lead Unit), 2nd SCPMFC, SCPIU, TTC RID 12, RSOG 12, at Koronadal CPS.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad ang dating miyembro para sa masusing debriefing at pagpapatupad ng mga kinakailangang proseso para mapabilang programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Integration Program (E-CLIP).

Ang sunod-dunod na pagbalik-loob ng mga rebelde sa kapulisan ng ay nagpapakita ng positibong hakbang sa pagtahak tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.