Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang tatlong (3) myembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Ang nasabing mga rebelde at sumuko sa 37th Infantry (Conqueror) Battalion na pinamumunuan ni LTC Christopher Capuyan na iprenisenta kina BGEN MIichael Santos, Commander ng 603rd (Persuader) Bde, 6ID, PA at Mayor Joaquin T Concha ng Kalamansig at iba pang ahensya ng gobyerno.
Kinilala ang mga sumuko na sina Alias Asay/Star, myembro ng EXECOM, SRC Daguma, FSMR; Alias Jabbar/Tamyon, myembro ng Gilbeys Platoon; at Alias Jen, myembro ng 1st Sqd, Platoon Cherry Mobile, SRC Daguma, FSMR.
Kasama rin nilang isinuko ang isang (1) M16 rifle at dalawang (2) M1 Garand rifle.
Ang pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng NPA ay bunga ng matagumpay na pagsisikap at negosasyon ng mga kasundaluhan.
Dahil sa hirap ng buhay at pangungulila sa kanilang pamilya, nagpasya silang itigil ang maling landas at tanggihan ang mga pangakong hindi natupad ng NPA.
Ang mga nagbalik-loob ay nakatanggap ng agarang tulong pinansyal at suporta sa pagkain na mula sa Lokal na Pamahalaan ng Kalamansig at kasalukuyang pinoproseso ang mga dokumento upang sumailalim sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ang E-CLIP.