-- ADVERTISEMENT --

Cebu City – Patuloy ang rescue operation sa Binaliw landfill matapos itong bumagsak dahil sa na-ipong basura noong Huwebes, Enero 8, pasado alas-4 ng hapon, ayon kay Mayor Nestor Archival.

Tinatayang 94 na trabahador ang naroroon nang mangyari ang landslide, at 27 ang natabunan.

Hanggang alas-10 ng gabi, 9 ang nailigtas habang 1 ang nakumpirmang nasawi.

Tiniyak ng mayor na patuloy ang paghahanap sa natitirang 18 trabahador.

Samantala, pansamantalang isinara ang operasyon sa landfill habang iniimbestigahan ang sanhi ng landslide.

Ayon kay Mayor Archival, makikipagpulong siya sa mga operator ng site upang talakayin ang agarang hakbang para maiwasan ang susunod na aksidente.

Ang Binaliw landfill, pangunahing dumpsite ng lungsod, ay matagal nang binabatikos dahil sa mga isyu sa kaligtasan at polusyon.

Naiulat na rin sa mga nakaraang taon ang pagguho ng lupa, na nagdulot ng pangamba sa mga residente.

Pinayuhan ng mga opisyal ang publiko na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo para sa updates kung kailan maibabalik sa normal ang operasyon ng landfill.