-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na landslide sa Binaliw Landfill sa Cebu City.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Cebu City, siyam (9) na katao pa ang patuloy na hinahanap habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

Nagbigay ng pangako ang mga awtoridad na hindi sila titigil hanggang hindi nila natutunton ang lahat ng biktima.

Bumisita rin sa site ng landfill si Cebu Archbishop Albert Uy upang magbigay ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

Nauna nang nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbibigay ng tulong para sa mga pamilya ng mga nasawi sa insidenteng ito.

Naganap ang trahedya noong Enero 8, nang mag-collapse ang tumpok ng basura sa Binaliw Landfill, isang pribadong pasilidad na nagtatanggap ng basura mula sa halos isang milyong residente ng Cebu City.