Naaresto ng mga tauhan ng President Quirino Municipal Police Station ang isang lalaki matapos mahulihan ng hindi lisenyadong baril sakanilang inilatag na PNP Checkpoint sa COMPAC-2, Barangay Tuato, President Quirino, Sultan Kudarat, nito lamang Disyembre 15, 2024.
Kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Benjie”, 22-anyos, may-asawa, karpintrero, at residente Dimagil, Salam, Paglat, Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat, naharang ang minamanehong motorsiklo ng suspek sa nasabing checkpoint operation na kung saan napansin ng awtoridad ang nakasukbit na baril sa baywang nito at nang hanapan ng kaukulang dokumento sa dala nitong baril ay wala itong naipaikita kaya’t tuluyan siyang inaresto ng mga pulisya.
Nakuha sa suspek ang isang yunit ng Cal. 45 pistol na baril na may kasamang magasin at siyam na bala
Nakapiit na ang suspek sa lock up cell ng President Quirino MPS habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sakanya.