-- ADVERTISEMENT --

Kumpleto na ang lineup ng mga koponang sasabak sa NBA Playoffs 2026 matapos ang pagtatapos ng Play-In Tournament noong April 18.

Aabot sa 16 na koponan ang maglalaban-laban para sa kampeonato ng NBA sa pagtatapos ng 2025–2026 season. Nangunguna sa buong liga ang Oklahoma City Thunder na may pinakamahusay na rekord, kasunod ang San Antonio Spurs bilang top two sa Western Conference.

Sa Eastern Conference naman, ang Detroit Pistons ang nakapwesto sa tuktok. Ang Pistons, Spurs, at Thunder ang tanging mga koponan ngayong season na umabot sa 60 panalo.

Magbubukas ang playoffs sa April 19 sa laban ng Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors—ang nag-iisang matchup sa unang araw ng torneo.

Sa April 20, walong koponan agad ang sasabak, tampok ang sagupaan ng Denver Nuggets at Minnesota Timberwolves, pati ang New York Knicks laban sa Atlanta Hawks.

Inaasahang magsisimula ang semifinals sa kalagitnaan ng Mayo, susundan ng Conference Finals sa huling bahagi ng buwan. Target naman ang Game 1 ng NBA Finals 2026 sa June 3.