-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Dalawa ang binawian ng buhay habang tatlo naman ang sugatan kabilang ang dalawang sundalo sa nangyaring pamamaril sa National Highway, Barangay Bagontapay, Mlang, Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni PMajor Rissa Hernaez, spokesperson ng PNP 12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Romnick Villaram Reyes, 28 taong gulang na residente ng Purok Masinulundon, Barangay Bagongtapay, Mlang, Cotabato at isang barbeque vendor habang inaalam pa ang identity ng isa sa mga sugatang binawian din ng buhay matapos na madala sa pagamutan.

Ayon kay Hernaez, may pyesta at maraming tao ang nagsama-samang nanuod ng live band sa nabanggit na lugar ng biglang nagpaputok ang umano’y grupo ni Barangay Kapitan Ivan Roy Macantan kasama ang tatlong iba pa kaya’t natamaan ang mga biktima. Dalawa sa mga biktima ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ang iba naman ay mga sibilyan sa nasabing lugar.

Narecover naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang unit ng STI Cal 45 pistol na may serial number uspsa1296, 7 basyo at 6 na live ammunation ng cal 45 at 4 na basyo ng cal 9mm.

Sa ngayon, patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para masuri kung ano ang dahilan ng nasabing shooting insident at inaalam din kung kaninong baril nagmula ang nakapatay sa mga nasawi.