-- ADVERTISEMENT --
Dalawa ang nasawi ngayong hapon matapos matangay ng malakas na agos ng tubig habang inaayos ang kanilang sluice box sa isang ilegal na “banlas” mining area sa Campo Kilot, Pulabato, Tampakan, South Cotabato.
Batay sa inisyal na ulat, hindi na nakatakbo ang mga biktima nang biglang rumagasa ang tubig na pinaniniwalaang pinalala ng mga nagdaang pag-ulan at hindi matatag na kondisyon ng minahan.
Agad rumesponde ang mga boluntaryo ngunit idineklara na silang dead on the spot.
Nanawagan ngayon ang mga awtoridad ng agarang aksyon upang tuldukan ang ilegal na pagmimina at maiwasan ang panibagong insidente na maaaring magbuwis ng buhay.