Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang anti-drug operation na isinagawang operasyon sa ND Avenue, Barangay Rosary Heights 4, Cotabato City.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Abubakar” at “Jomer,” kapwa itinuturing na High-Value Targets sa illegal drug trade sa rehiyon. Ayon sa ulat, hindi na nakapalag pa ang dalawa nang isagawa ang operasyon.
Nasamsam mula sa kanila ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 250 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso batay sa standard drug price.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang mga suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa kanila.