-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang dalawang high school students matapos pagbabarilin sa loob mismo ng isang silid-aralan sa Sta. Rosa Integrated School sa Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, isang babae at isang lalaki ang tinamaan ng bala sa insidente na naganap sa gitna ng klase.

Kinumpirma ito ni PMaj. Willard Dulnuan, Acting Chief of Police ng Santa Rosa Municipal Police Station ang nasabing pangyayari.

Bagamat hindi pa tukoy ang suspek, may posibilidad umanong love triangle ang dahilan ng pamamaril.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang salarin at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.