Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang miyembro ng Philippine Army CAFGU matapos na maaresto sa pagbebenta ng illegal na armas sa bahagi ng Barangay Rosary Heights 1, Cotabato City.
Sa aktwal na kuha ng Criminal Investigation and Detection Group BAR sa kanilang Firearms Buy bust operation, makikita sakay ng kulay asul na SUV na nakaparada si gilid ng kalsada sa naturang lugar ng pasukin ng operating team ang SUV at tumambad sa kanila Isang (1) unit ng 9mm caliber light weapon at dalawang magazine.
Napagkasunduan umano ng nagpanggap na buyer mula sa opertiba na doon isagawa ang transaksyon, kung kayat ng makatyempo anv operating team dito na naaresto sina alias buds at alias boy na parehong miyembro ng Philippine Army CAFGU Active Auxiliary.
Maliban sa armas at magazine nakuha din sa posesyon ng mga suspek ang Marked Money nagkakahalaga ng 119,000 pesos, dalawang Identification Cards at Sling bag.
Kasong papaglabag sa Section 32 (Unlawful Sale o Disposition of Firearms) ng RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa laban sa mga suspek na ngayon ay nakakulong na sa detention facility ng CIDG BAR.