-- ADVERTISEMENT --

Nakakulong na ang dalawang lalaki matapos silang mahulihan ng hindi lisensyadong baril at iligal na droga sa isang checkpoint operation ng pulisya sa Barangay Kanguan, Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Siamer at Benjo.

Nasabat mula sa kanilang pag-iingat ang isang caliber .45 na baril at mga bala na walang kaukulang dokumento.

Bukod dito, nakuha rin ang tinatayang 25.9 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na ₱176,000, kasama ang dalawang improvised tooter.

Ang dalawa ay nasa kustodiya ngayon ng Datu Piang Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya na iwasan na ang pagbebenta o paggamit ng illegal na droga.