-- ADVERTISEMENT --

Isinailalim na sa imbestigasyon ang dalawang suspek na naaresto sa isang checkpoint operation matapos mahulihan ng tinatayang P700,000 halaga ng smuggled cigarettes sa Barangay Nituan, Parang, Maguindanao del Norte.

Naganap ang operasyon bandang alas-3:30 ng hapon kahapon, kung saan nasabat ang 70 kahon ng smuggled CAPITAL cigarettes na lulan ng isang Isuzu aluminum van truck na may plakang CCP 1632.

Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Jam,” 51 anyos, at “Arn,” 32 anyos. Sila ay inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law.

Ang checkpoint ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Nituan COMPAC, Parang MPS, PIU-MDN, 1st PMFC, 1401st RMFC, at RMFB14-A.

Sa ngayon, ang mga suspek, kasama ang sasakyan at mga kontrabando, ay nasa kustodiya ng Parang Municipal Police Station at inilipat na sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.