-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa 190 estudyante ang nasugatan sa serye ng mga protesta sa France, kabilang ang isang 15-anyos na nawalan ng kamay sa gitna ng komprontasyon.

Naganap ang insidente sa Lens nitong Lunes, kasabay ng magkakasunod na kilos-protesta ng mga estudyante na humihiling ng dagdag na pondo at pagtugon sa mga problema sa sektor ng edukasyon.

Samantala, isang 14-anyos na estudyante ang nagtamo naman ng double jaw fracture matapos umanong tamaan ng tear gas grenade sa protesta noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga awtoridad, mahigit 5,000 katao na ang naaresto mula nang magsimula ang serye ng mga demonstrasyon. Patuloy naman ang panawagan ng mga estudyante para sa mas maayos at ligtas na kondisyon sa mga paaralan.