-- ADVERTISEMENT --

SULTAN KUDARAT – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang 19-anyos na lalaki na may kasong frustrated murder matapos na maaresto ng mga otoridad sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Kinilala ni PLtCol William Facsoy Jr., hepe ng Lebak MPS, ang suspek na si alyas “Nelboy”, 19-anyos, binata, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy. Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat.

Ang nasabing indibidwal ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Lebak MPS, CIDG 12 SKPFU, RID 12 Tracker Team Delta, PIT-SK RIU 12 at 2nd SKPMFC sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Samina Sampaco Macabando-Usman, Assisting Presiding Judge ng Regional Trial Court 12th Judicial Region, Branch 19 sa Isulan, Sultan Kudarat at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.

Ipinasiguro naman ng pulisya na patuloy silang magbabantay para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng komunidad.