Hindi bababa sa 18 katao ang nasugatan matapos ang magkakasunod na pagsabog sa Damascus, Syria, malapit sa hotel na tinutuluyan ni French President Emmanuel Macron.
Ayon sa paunang ulat, agad na rumesponde ang mga security forces sa lugar at nakadiskubre ng dalawa pang hinihinalang pampasabog. Gayunman, sumabog ang mga ito habang isinasagawa ng mga awtoridad ang disposal operation.
Isa sa mga pampasabog ay natagpuang nakatago sa isang nakaparadang sasakyan, habang ang isa pa ay nakita sa loob ng isang basurahan.
Nasa Syria si Macron para sa isang opisyal na pagbisita, kabilang ang nakatakda niyang pagpupulong kay Syrian President Ahmed al-Sharaa sa presidential palace.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Syria, inaasahan namang tutuloy si Macron sa Turkey upang dumalo sa NATO Summit.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, kabilang ang motibo at ang mga posibleng responsable sa mga pagsabog.













