Umabot sa 17 ang napatay at 73 ang nawawala matapos bumagsak ang isang malakas na landslide sa Pasir Langu Village, Bandung Barat, nitong Lunes, Enero 26, ayon sa National Disaster Mitigation Agency (BNPB).
Ayon sa ulat, ang landslide ay sanhi ng matinding ulan na nagsimula pa noong Biyernes.
Mahigit 30 bahay ang nalibing, at kabilang sa mga nawawala ang 23 opisyal ng navy na kasalukuyang nasa border patrol training.
Kasabay nito, naitala rin ang flash floods sa ilang bahagi ng Indonesia, kabilang ang West Java at Jakarta, na nagdulot ng sapilitang paglikas ng mga residente.
Ang insidente ay naganap lamang dalawang buwan matapos ang malawakang pagbaha at landslide sa Sumatra na kumitil sa buhay ng 1,200 katao at nagdulot ng displacement ng higit sa isang milyong residente.
Ayon sa BNPB, nagtutulungan ang search and rescue teams at gumagamit ng heavy equipment upang maabot ang mga nalibing at mapabilis ang operasyon. Pinayuhan ang publiko na manatili sa ligtas na lugar at sundin ang mga abiso ng lokal na disaster units.













