-- ADVERTISEMENT --
Umabot sa 5,342 indibidwal mula sa 1,655 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa Quezon City matapos ang malalakas na pag-ulan na dulot ng Habagat at Tropical Depression Neneng.
Ayon sa Quezon City government, inilikas ang mga residente bilang precautionary measure dahil sa pagbaha at banta ng pagguho ng lupa sa ilang lugar.
Patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga evacuee habang minomonitor ng lokal na pamahalaan ang kondisyon ng panahon at kalagayan ng mga komunidad.
Batay sa situation report dakong alas-9 ng gabi noong Agosto 19, pinapayuhan ang mga residenteng nangangailangan ng emergency assistance na tumawag sa Quezon City Helpline 122.













