-- ADVERTISEMENT --

Sinibak ang 16 na pulis ng Dolores Municipal Police Station matapos makuhanan ng larawan na umiinom sa loob ng himpilan noong ginaganap ang kanilang Christmas party noong December 15.

Viral sa social media ang mga kuha ng insidente, na nagdulot ng matinding diskusyon mula sa publiko.

Ayon sa nag-upload ng larawan, binanggit pa ang Regional Director ng Police Regional Office 8 (PRO-8).

Binigyang-diin ng PRO-8 na mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine National Police ang pag-inom ng alak habang naka-duty at lalo na sa loob ng mga police station.

Kinumpirma rin ng mga awtoridad na iniimbestigahan pa ang insidente upang matukoy kung may iba pang pulis na maaaring sampahan ng kasong administratibo.