Natagpuan na ang bangkay ng 14-anyos na estudyante na lalaki na napaulat na nalunod sa Tamontaka River sa Cotabato City.
Ayon sa mga otoridad, bandang hapon ng Martes, July 29, 2025, nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa bahagi ng Purok Bunsain, Barangay Kalanganan 2.
Batay sa ulat, tinangay ng malakas na agos ng tubig ang bata kahapon, habang naliligo umano sa ilog kasama ang ilang kaibigan. Agad namang nagsagawa ng retrieval operations ang mga emergency responders at residente, ngunit hindi agad nahanap ang katawan ng biktima.
Ngayong araw, matapos ang halos isang araw na paghahanap, natagpuan ang katawan sa ilang metrong layo mula sa pinangyarihan ng insidente subalit wala na itong buhay nang marekober.
Patuloy ang paalala ng mga otoridad sa mga residente, lalo na sa mga kabataan, na iwasan munang lumapit o maligo sa ilog, lalo na kung may malakas na agos dulot ng pag-ulan.