Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,091 na kaso ng road crash incidents sa buong linggo ng Holy Week nitong nakaraang linggo.
Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, ang mga datos na ito ay mula Marso 29, Palm Sunday, hanggang Abril 2, Maundy Thursday.
Sinabi ni Domingo na ang bilang na ito ay 150% na mas mataas kumpara sa 437 road crash incidents na naitala noong nakaraang taon, 2025.
Gayunpaman, nilinaw ni Domingo na hindi nangangahulugang dumarami ang mga aksidente sa daan. Maaaring mas marami lamang na ospital ang nagbigay ng kanilang ulat ngayong taon.
Dagdag pa niya, mula sa ibang pananaw, mahalaga ang mga natanggap na opinyon mula sa publiko dahil ito ay nagbibigay ng insights kung ano pa ang mga dapat iwasan upang mapigilan ang mga aksidente sa kalsada.
Samantala, ayon sa kabuuang datos, ang Central Luzon ang may pinakamataas na bilang ng road crash incidents na may 196 kaso, sinundan ng Davao Region na may 161 at Ilocos Region na may 159.













