-- ADVERTISEMENT --

LAEBAK, SULTAN KUDARAT – Umabot na sa sampung (10) katao ang kumpirmadong nasawi habang labing tatlo (13) naman ang sugatan matapos mahulog ang isang mini dump truck sa bangin sa bahagi ng Highway 70, Sitio Platacan, Barangay Christianuevo, bandang alas-5:30 ng hapon, Agosto 6, 2025.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ang mga biktima ay pauwi na mula sa isang kasalan sa bayan ng Lebak patungong Barangay Senditan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nang mawalan umano ng preno ang minamanehong sasakyan at tuluyang nahulog sa malalim na bangin.

🕯️ Sampung Kumpirmadong Nasawi:

  1. Tods Mamintal
  2. Tahir Nakan
  3. Babylyn Sahipa, 14 taong gulang
  4. Aling Sahipa, 50 taong gulang
  5. Muhammad Digan
  6. Muhammad Macarimbang
  7. Ramon Manoo, 40 taong gulang
  8. Moner Abdullah
    9–10. Dalawang batang biktima na hindi pa rin pinapangalanan

🚑 Labing Tatlong Sugatan, Isinugod sa Ospital:

  1. Saidamen Omar, 20
  2. Wembus Oteng, 33
  3. Musib Nakan, 55
  4. Bens Tacpan, 50
  5. Aireen Tacpan, 16
  6. Ibrahim Ambolodto, 24
  7. Johair Omar, 18
  8. Arbaina Ambolodto, 14
  9. Morsalin Degan
  10. Pending Eman, 19
  11. Haya Bansalan, 14
  12. Samsudin Ambolodto, 34
  13. Bibi Tacpan, 15

Ayon sa mga rumespondeng rescuers mula sa MDRRMO at iba pang ahensiya, naging mahirap ang retrieval operations dahil sa lalim ng bangin at sa madulas na daan.

Isa sa mga sugatan ay napaulat na kakakatapos lang ng engagement sa kanyang nobya, at pauwi na rin sana sa kanilang tahanan sa Maguindanao del Norte nang maganap ang trahedya.